Mga Ibon sa Quezon Avenue

~IBON~




Menos Diyes para alas otso ng gabi, pumunta kami sa bayan para bumili ng tinapay sa Gemini. Kaya lang sarado na pala. Kaya tumawid ako sa 7-eleven, bukas pa ang mga ilaw. Pero paglapit ko, "closed" na din.

Maagap pa din pala magsara ngayon. Pero habang pabalik ako ng sasakyan, may napansin ako. Malinis ang kalsada. Tumingala ako sa mga wire, wala ang mga ibon.

Dati rati, tadtad ng ipot ng ibon ang kalsada pag ganitong oras. At ang mga ibon, naghanay sa itaas. Pero ngayon, wala na sila.

Napaisip tuloy si ako "Bakit nawala". Samantalang noon kahit gaano kadami ang tao at ingay lalo pag Pasayahan nandun sila.

Pero pagdaan ng lockdown, kasama din silang nawala.

Binaybay namin ang Gitna hanggang sa may dating Ramchands. Pero walang bakas ng mga ibon.

Siguro dahil wala silang makain. Wala na kasing mga tusok tusok at street vendors. Wala na din ang mga taong pagala-gala at tapon ng tapon ng natirang pagkain sa kalsada. Ito nga siguro ang dahilan.

Pero naisip ko din, paanu kung may ibang dahilan. Sabi kasi nila, malakas ang pakiramdam ng mga hayop pag may paparating ng bagyo o sakuna, agad silang lumilikas. Wala naman sana.

O baka naman, talagang itinaboy sila habang lockdown?

Pag bumalik na ang tao sa lansangan, malaman natin kung babalik din sila.


See more pictures on our Facebook Page



#ilovelucena