TUWING umaga lumalabas kami para magtapon ng basura sa pickup point. Nakakahanga din naman itong mga eco aide, matiyagang nililinisan at inaayos ang sako-sakong mga basura.
NOONG una, naiirita ako kasi itong si Misis na eco aide, madaldal. Kahit agang aga napaka daldal. Ang lakas pa ng boses. Pero nakasanayan na din.
NGAYONG Umaga, napagtuunan namin ng pansin ang kaniyang sinasabi.
"Pasalamat tayo at kahit papaano meron tayong nasisilungan, at may nakakain", aniya.
"Maingay ako oo, pero gumagawa ako." Dagdag pa niya.
KALA ko noon maingay siya kasi nagrerelakmo at nahihirapan na sa trabaho. Lukas Lang siguro sa kaniya ang pagiging "talkative", termino nga naming noong high school.
FRONTLINERS - kabilang Sila sa tinatawag na frontliners. Ang totoo, hindi lang sa Corona virus sila exposed, kundi sa ibat-ibang uri din ng pagkakasakit. Sila yung araw-araw kumokolekta ng basura at inaayos para hindi magkalat. Ang totoo, magkano lang ba ang tulong na tinatanggap nila? Oo, tulong. Hindi naman sweldo kasi maliit na halaga lang. Honorarium nga ba ang tawag doon?
NAKAKALUNGKOT lang isipin, may mga kababayan tayo na walang paki-alam sa kalat. Naglalabas ng basura kahit hindi sa tamang oras. Kaya ayun, klikinakalat ng mga aso at pusa.
ITO PO ANG PANAWAGAN na din namin sa ating mga kalunsod na maging masinop pagtatapon ng basura. Ihiwalay ang dapat ihiwalay. Magtulong tulong Tayo para sa kalinisan ng acting Barangay at ng mahal nating bayan, Ang Lungsod ng Lucena.
KUDOS Kay Mrs eco aide, at sa iba pang kasamahan niya.
**** iShare natin para malaman ng lahat ang kahalagahan ng Malini's na paligid ****
#ilovelucena
#keepclean
#keepsafe