GIgaHertz Technician SM Lucena

Technician - SM City Lucena

Gigahertz Computer Systems

Quezon
PHP 10000 - PHP 12000

Job Description:

Technician’s Scope and Responsibilities
  • Achieve the Target Turnaround time for the Diagnosis of mobile phone, tablet and laptop
  • Achieve the Target Turnaround time for the Repair of mobile phone, tablet and laptop
  • Complete processing of the target quantity of units for diagnosis per dayComplete processing the target quantity of units for repair per day
  • Technician’s Qualifications
  • Must have experience as technician for Mobile phone, tablet and laptop.
  • Knowledgeable in standard repairing procedure of mobile phone, tablet and laptop.
  • Knowledgeable in basic parts and components of mobile phone, tablet and laptop.
  • Customer Oriented
  • Can work with minimal supervision
  • Team player
Why Join Gigahertz?
  • Basic pay plus mandatory benefits with overtime pay
  • Incentive program
  • We offer regularization 
  • 6 days work week
  • Excellent growth and advancement opportunities

Mga Ibon sa Quezon Avenue

~IBON~




Menos Diyes para alas otso ng gabi, pumunta kami sa bayan para bumili ng tinapay sa Gemini. Kaya lang sarado na pala. Kaya tumawid ako sa 7-eleven, bukas pa ang mga ilaw. Pero paglapit ko, "closed" na din.

Maagap pa din pala magsara ngayon. Pero habang pabalik ako ng sasakyan, may napansin ako. Malinis ang kalsada. Tumingala ako sa mga wire, wala ang mga ibon.

Dati rati, tadtad ng ipot ng ibon ang kalsada pag ganitong oras. At ang mga ibon, naghanay sa itaas. Pero ngayon, wala na sila.

Napaisip tuloy si ako "Bakit nawala". Samantalang noon kahit gaano kadami ang tao at ingay lalo pag Pasayahan nandun sila.

Pero pagdaan ng lockdown, kasama din silang nawala.

Binaybay namin ang Gitna hanggang sa may dating Ramchands. Pero walang bakas ng mga ibon.

Siguro dahil wala silang makain. Wala na kasing mga tusok tusok at street vendors. Wala na din ang mga taong pagala-gala at tapon ng tapon ng natirang pagkain sa kalsada. Ito nga siguro ang dahilan.

Pero naisip ko din, paanu kung may ibang dahilan. Sabi kasi nila, malakas ang pakiramdam ng mga hayop pag may paparating ng bagyo o sakuna, agad silang lumilikas. Wala naman sana.

O baka naman, talagang itinaboy sila habang lockdown?

Pag bumalik na ang tao sa lansangan, malaman natin kung babalik din sila.


See more pictures on our Facebook Page



#ilovelucena

Lucena City 1st Wave Lock Down

Lucena City Lock Down


Dati rati, kapag dadaan ka sa Gomez st, madalas makikita , maririnig ay reklamo sa trapiko.


Dati rati, ang madalas sabihin lalong ma traffic pag may enforcer.


Dati rati, madalas sabihin bulok ang sistema.


Dati rati. Dati rati...


Ngayon, napakaluwag ng kalsada.


Tahimik, Hindi maingay, hindi mausok, Hindi miinit.


Pero...


Panatag ba ang damdamin?


Ang mga larawan sa ibaba ay lan lamang sa mga barikada noong mag TOTAL LOCK DOWN dito sa Lucena City. 


Maari ninyong ishare ang picture ng barikada sa inyong lugar sa comment section sa ibaba.



Brgy 2 Barikada


Pleasant Ville Barikada


KUDOS Kay Mrs Eco Aide

TUWING umaga lumalabas kami para magtapon ng basura sa pickup point. Nakakahanga din naman itong mga eco aide, matiyagang nililinisan at inaayos ang sako-sakong mga basura.


NOONG una, naiirita ako kasi itong si Misis na eco aide, madaldal. Kahit agang aga napaka daldal. Ang lakas pa ng boses. Pero nakasanayan na din.


Eco Aide in Lucena City


NGAYONG Umaga, napagtuunan namin ng pansin ang kaniyang sinasabi.


"Pasalamat tayo at kahit papaano meron tayong nasisilungan, at may nakakain", aniya.


"Maingay ako oo, pero gumagawa ako." Dagdag pa niya.


KALA ko noon maingay siya kasi nagrerelakmo at nahihirapan na sa trabaho. Lukas Lang siguro sa kaniya ang pagiging "talkative", termino nga naming noong high school.


FRONTLINERS - kabilang Sila sa tinatawag na frontliners. Ang totoo, hindi lang sa Corona virus sila exposed, kundi sa ibat-ibang uri din ng pagkakasakit. Sila yung araw-araw kumokolekta ng basura at inaayos para hindi magkalat. Ang totoo, magkano lang ba ang tulong na tinatanggap nila? Oo, tulong. Hindi naman sweldo kasi maliit na halaga lang. Honorarium nga ba ang tawag doon?


NAKAKALUNGKOT lang isipin, may mga kababayan tayo na walang paki-alam sa kalat. Naglalabas ng basura kahit hindi sa tamang oras. Kaya ayun, klikinakalat ng mga aso at pusa.


ITO PO ANG PANAWAGAN na din namin sa ating mga kalunsod na maging masinop pagtatapon ng basura. Ihiwalay ang dapat ihiwalay. Magtulong tulong Tayo para sa kalinisan ng acting Barangay at ng mahal nating bayan, Ang Lungsod ng Lucena.


KUDOS Kay Mrs eco aide, at sa iba pang kasamahan niya.


**** iShare natin para malaman ng lahat ang kahalagahan ng Malini's na paligid ****


#ilovelucena
#keepclean
#keepsafe

Nagpapanic Ba ANg Mga Tao Dahil sa Pandemic?


Maraming tao ang namamatay buwan-buwan sa iba't ibang dahilan. Accident, suicide, Malaria, TB, HIV Aids, Cancer at marami pang iba. At sa mga nakaraang buwan, nag-cause daw ng Panic sa mga tao ang Corona Virus. Marami daw natatakot sa virus na ito. Background Video: Shot from Lucena City Nag-papanic daw ang Tao dahil sa Corona Virus.